Kumita ng halos 25,000 PHP dito sa Magic Coins! Legit nga ba? – Magic Coins App Review

Nadiskubre ko ang app na ito dahil sa isang advertisment kung saan inuudyok nito ang mga manunuod na maari silang kumita sa kanilang libreng oras at makuha ang kanilang premyo papunta sa kanilang mga PayPal account, ng walang withdrawal restrictions.Dahil sa kagustuhan ng mga taong kumita ng malaking halaga ng salapi, mayroon nang higit pa sa isang milyong katao ang nag-install ng app na kung tawagin ay Magic Coins. Ngunit, may katotohanan nga ba ang inihahayag ng app na ito sa kanilang mga manlalaro? Ang Magic Coins ba ay tunay o peke? Alamin natin ito!

Ano nga ba Magic Coins?

Ang Magic Coins ay isang Android game/app na maari mong i-download sa Google Play Store. Upang ikaw ay manalo ng mga rewards, kinakailangan mong ilaglag sa tamang position at pagsamahin ang mga coins na mayroong parehong simbolo, upang ito ay lumaki at maging panibagong simbolo.

Marami ng naglabasan na ganitong uri ng mga laro, kung saan para ikaw ay manalo ng pera at premyo, kailangan mong pagsamahin ang gems, coins, balls, orbs at iba pa.

Ang bawat coins ay may katumbas na mga simbolo, tulad ng: oso, leon, agila o toro. Hindi mahalaga kung gaano kawili-wili ang laro na ito, dahil mas nakakaagaw ng pansin sa mga manlalaro ang posibilidad na, sila ay maaring makapag-withdraw ng pera. Ito ay sa pamamagitan ng pagkolekta ng virtual cash at mga diamonds sa larong ito.

Paano gumagana ang Magic Coins?

Hindi mo na kailangan gumawa ng account sa Magic Coins upang ikaw ay makapagsimulang maglaro. Wala kang kailangan bayaran upang makapaglaro sa app na ito.

Sa laro, ay kailangan mo lang pindutin ang lugar kung saan mo nais na malaglag ang coin na may kaparehong simbolo. Sa oras na magsama ang dalawang magkaparehong simbolo, ito ay magiging mas malaki at magiiba na simbolo.

More:  PBA Finals: Motivation? Rondae Hollis-Jefferson has a lot of it

Pagkatapos mong pagsamahin ang dalawang coins na parehong may simbolo ng isang toro, itong ay magiging isang coin na may nakalagay na logo ng PayPal. Pindutin lang ang "collect" button, myroong lalabas na video na kailangan mong panuorin bago mapunta ang virtual cash na iyong nakolekta papunta sa iyong wallet. Meron ka ding mga diamonds na makukuha kada coins na iyong mapagsasama.

Bukod dito, kapag nakamit mo ang iskor o target na kailangan mayroon kang apat na cards na maari mong baliktarin upang ikaw ay manalo ng cash rewards o diamonds. Mayroon ding mga mission o task na bibigyan ka ng virtual cash bilang rewards at lucky wheel kung saan maari kang manalo ng diamonds.

Magwithdraw ng Funds

Maaari kang magwithdraw sa Magic Coins gamit ang iyong PayPal account kapag umabot na sa 25,000 PHP ang iyong balanse!

Mas malaki ang pwede mong makuha para sa mga naglalaro at nakakolekta ng mahigit 150,000 PHP!!

Kapag ikaw ay naka-kolekta na ng 680,000 diamond, maari kang mag-redeem ng nasa halagang 5,000 PHP gift card mula sa mga merchant na ito: Google Play. Amazon. Steam, XBox, Visa and MasterCard.

Babayaran ka ba talaga ng Magic Coins?

Ang sagot ay hindi! Hindi ka makakakuha ng kahit na piso kahit na sunod mo lahat ng kondisyon at magantay ka ng pitong (7) araw.

Ayon sa advertisement ng Magic coins ay wala silang cash-out limit! isa itong malaking kasinungalingan dahil para makapag request kang mag cash-out ay kinakailangan na ang iyong balanse ay umabot muna sa 500$

Tulad ng iba pang mga pekeng money games, ang cash rewards na makukuha mo ay pababa ng pababa hangga't ikaw ay makakuha ng mas mababa sa 0.20$ kada iang video na iyong napanuod.

At dahil kinakailangan mong maabot ang requirements na 500$ para makapag cas-out, dapat ka pang manuod ng mas maraming videos para lang malaman na sa oras na naabot mo na ang target ay kinakailangan mo na namang manuod ng mas marami pang video.

More:  How To Play Online Slots For Real Money

isa itong napaka tusong sistema para sa mga developers dahil sila ay binabayaran base sa dami ng views sa kanilang mga ads videos.

Sasabhin sayo ng Magic Coins na ang iyong order ay matagumpay na naisumite at ito ay malilipat na sa iyong PayPal Account. papaniwalain ka nila na ang iyong premyo ay malapit mo nang makuha. Ngunit sa katotohanan ay mayroon ka pang kinakailangang gawin:Kailangan mo munang manuod ng 75 pa na mga videos sa loob ng 72 hours, na susundan ng 225 pa na mga videos para ma-activate lang ang iyong order.

Maraming mga players ang nagsabi na hindi sila nakatanggap ng premyo, kahit na sila ay gawin nila ang napaka-komplikadong gawain ang magantay ng ilang linggo!

Huling Salita

ang magic coins ay hindi ka babayaran ng kahit magkano sa iyong PayPall account, dahil ang kanilang mga rewards ay peke. Hindi na nakakagulat na ang mga developer ay hindi nagbibigay ng kahit anong abiso, tungkol sa kanilang video views requirements!

Ang app na ito ay para lamang sa pangangalap ng kita sa mga video para sa mga may-ari, kapalit ng mga oras mg kanilang mga users.

At yun ang kanilang plano: mangalap ng mga milyon milyong mga manlalaro upang manuod ng walang katapusang mga palatastas.

Ang payo ko sa inyo ay umiwas sa mga ganitong uri ng mobile games na nagsasabi na ikaw ay maaring manalo ng hindi makatotohanang cash rewards.

Maging mapanuri sa kahit anong mga site o app upang maiwasan ang pagkadismaya sa huli.